Pabor ang ilang mambabatas sa paggamit sa motorsiklo bilang pampublikong transportasyon sa gitna ng tumitinding traffic congestion sa metro manila kasabay ng holiday rush.
Ayon kay Muntinlupa City Rep. Ruffy Biazon, dapat nang amyendahan ang lumang batas na nakasaad sa Republic Act 4136.
Plano ni Biazon na maghain ng panukalang batas na magpapahintulot sa paggamit ng motorsiklo bilang pampublikong transportasyon sa pagbabalik sesyon ng Kongreso sa susunod na taon.
Sa panig naman ni Quezon City 2nd District Rep. Winston Castelo, dapat mag-issue na lamang ng department order ang Department of Transportation (DOTr) upang makapag-operate muli ang mga motorcycle app tulad ng Angkas gaya ng ginawa sa DOTr sa Grab.
Samantala, naghain na ng komento ang Angkas sa temporary restraining order (TRO) ng Korte Suprema.