Tutol ang ilang kongresista sa panukalang sugar importation sa isinagawang hearing ng Committee on Agriculture and Food sa Kamara.
Sa pagdinig ng Komite,nabatid na sumipa na sa 65 pesos ang kada kilo ng refined sugar sa Metro Manila mula sa 48 pesos noong Enero.
Ayon kay Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Isagani Zarate, tinutulan nila ang pag-angkat ng asukal dahil papatayin nito ang lokal na industriya.
Gayunman, iginiit ng Sugar Regulatory Administration na importasyon ang nakikitang solusyon para mapunan ang kakulangan ng supply.
Batay sa datos ng Confederation of Sugar Producers Associations, kapos ng 150,000 metric tons ang suplay ng asukal sa bansa.
Tinatayang 200,000 metric tons ng asukal ang balak angkatin ng SRA dahil sa kakulangan ng supply nang masira ang ilang refineries dahil sa bagyong Odette.