Umapela ang ilang mambabatas sa pamahalaan na bawiin ang travel ban na ipinatupad sa Taiwan dahil sa banta ng COVID-19.
Ito’y matapos ikunsidera ng inter-agency task force ang Taiwan bilang bahagi pa rin ng China gaya ng Hong Kong at Macau.
Ayon kay Iligan Rep. Frederick Siao, hindi dapat gawing batayan ng pamahalaan ang “one China policy” sa pagpapataw ng travel ban sa Taiwan.
Para naman kay Minority Leader Benny Abante kung pagbabatayan ang bilang ng kaso ng sakit mas dapat bigyan ng travel ban ang Singapore kaysa Taiwan.
Una rito, nanawagan ang international labor organization na i-lift ang naturang ban dahil nanganganib mawalan ng trabaho ang nasa 1,500 OFW na nakatakdang magtungo sa Taiwan.