Pahirapan na ang pagkuha ng second tranche ng Small Business Wage Subsidy (SBWS) sa mga branches ng M. Lhuillier sa Metro Manila.
Ito’y dahil sa biglaang pagdagsa ng mga manggagawang kumukuha ng ayuda matapos mailagay ang Metro Manila sa general community quarantine(GCQ).
Sa branch ng M. Lhuiller sa Kapitolyo, Pasig, ipinahinto na umano ng central management ang pagtanggap ng mga forms dahil sa dami ng mga pumilang nagnanais makakuha ng ayuda.
Ang ilan ay nitong huwebes lang nakapagpasa ng form at nakuha na ngayong araw na ito; habang ang iba pa ay nuong araw pa ng Martes nagpasa subalit hanggang ngayon ay wala pa ring nakukuha.
Habang by schedule naman ang ipinatutupad sa iba pang mga branch upang mapagsilbihan ang dami ng mga manggagawang nagnanais makahabol sa June 15 deadline.