Nanawagan sa pamamagitan ng social media ang ilang pinoy na mangingisda na ilang buwan nang stranded sa isang Chinese vessel.
Ayon sa mga mangingisda, nitong Mayo pa natapos ang operasyon ng nasabing Chinese vessel at noong Abril pa naubos ang supply nila ng pagkain.
Kwento pa ng mga mangingisda na hindi nakikipag-ugnayan sa kanila ang kanilang ahensya sa kung papaano sila makauuwi at nilalayo pa sila umano sa signal para hindi makakontak o makahingi ng tulong.
Ginawa rin umano silang pain para mailabas ang pera na umanoy iniipit ng may-ari ng barko. — sa panulat ni Rex Espiritu.