Sa gitna ng paghahanda ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagtama ng La Niña sa Pilipinas, ilang malalaking manufacturer ang magpapatupad ng voluntary price freeze.
Ayon sa Department of Trade and Industry (DTI), suportado nila ang whole-of-government approach ni Pangulong Marcos sa paglaban sa price manipulators at sa pagprotekta sa mga konsyumer sa pamamagitan ng nationwide price monitoring.
Pinaigting din ng kagawaran ang kanilang pagsisikap na tiyakin ang epektibong pangangasiwa rito, bilang paghahanda sa matinding tag-ulan.
Kaugnay nito, limang malalaking manufacturer ang nagsabing magpapatupad sila ng voluntary price freeze sa kanilang mga produkto
Ayon kay DTI Assistant Secretary Amanda Nograles, kabilang sa mga produktong ito ang karne, gatas, bottled water, at instant noodles.
Ibinahagi rin ni Asec. Nograles na maglalabas ng price guide ang kagawaran bilang basehan ng mga konsyumer sa mga produktong hindi gagalaw ang presyo sa loob ng 60 araw.