Inihayag ng Department of Trade and Industry (DTI) na humihirit ang ilang manufacturers ng taas-presyo sa sardinas, kape at gatas sa Pilipinas.
Ito’y bunsod ng patuloy na pagtaas sa presyo ng raw materials na ginagamit sa mga nabanggit na produkto.
Sinabi ni Department of Trade and Industry (DTI) Undersecretary Ruth Castelo na nasa P0.50 hanggang 20 pesos ang hinihiling na umento ng mga manufacturer.
Ngunit sinabi ni Castelo na hindi maaaring lumagpas sa 10% ang itataas sa presyo ng mga produkto sakaling aprubahan ito ng ahensya.