Susubaybayan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga massage parlor na sangkot sa Human Trafficking sa Cebu City.
Ito’y matapos maaresto ng tauhan ng NBI ang tatlong indibibwal sa ikinasang magkasabay na Counter-Human Trafficking Operation sa dalawang parlor sa H. Cortes St. kung saan nasagip ang 20 babaeng therapist.
Ayon kay Mandaue City NBI Director Arnel Pura, nalaman ng kawanihan na ang dalawang establisyimento ay gumagamit ng mga babaeng therapist para sa prostitusyon.
Napag-alaman din aniya na ang dalawang parlor ay nangongolekta ng P1,700 bilang bayad para sa serbisyo ng isang attendant na higit pa sa ordinaryong massage fee na P300 hanggang P500.
Samantala, sinabi ni Pura na natukoy na nila ang mga may-ari ng dalawang parlor at isinailalim ito sa imbestigasyon para sa posibleng pagsasampa ng mga kasong paglabag sa Republic Act 9208 o ang Anti-Trafficking in Persons Act of 2003. —sa panulat ni Airiam Sancho