Itinuturing na ilang matataas na opisyal ng China na isang colour revolution ang patuloy na anti government protests sa Hongkong.
Kasabay nito, ang babala ng state council ng HongKong and Macau Affairs Office na posibleng lumala pa ang krisis dito.
Sinabi ni Zhang Xiaoming, director ng konseho na pinag aaralan nila ang pagtatatag ng commission of inquiry para pag aralan ang extradition bill subalit mangyayari lamang ito aniya sa sandaling matigil na ang kilos protesta.
Nanawagan din si Xiaoming sa mga kaalyado ni HongKong Chief Executive Carrie Lam na gawin ang kanilang trabaho para tiyakin ang kapayapaan at kaayusan sa kanilang lungsod.