Nahaharap sa kasong murder, frustrated at attempted murder ang ilang matataas na opisyal ng gobyerno kaugnay sa marahas na dispersal sa mga magsasaka sa Kidapawan.
Ayon kay Atty. Edre Olalia, kabilang sa mga nagsampa ng kaso laban sa mga opisyal, ay ang mga buntis, matatandang magsasaka at mga pamilya ng mga magsasakang binaril sa dispersal.
Kasama sa mga kinasuhan ng grupo ay sina DILG Sec. Mel Senen Sarmiento, PNP Chief Dir. Gen. Ricardo Marquez at North Cotabato Gov. Emmylou Taliño – Mendoza.
Kabilang din sa mga kinasuhan sina Agriculture Sec. Proceso Alcala, Kidapawan Mayor Joseph evanGelista, 39th Infantry Battalion Commander Lt. Col. Arnold Argamosa, at iba pang pulis.
Maliban sa naturang mga kaso, inireklamo din ang mga opisyal ng torture, physical injuries, illegal arrest at detention.
By Katrina Valle