Sinipa ng PDP-Laban ang Vice Chairman nito na si Energy Secretary Alfonso Cusi ang Deputy Secretary General na si Melvin Matibag.
Ito’y matapos ipag-utos ni PDP-Laban President Sen. Manny Pacquiao at suportahan ng PDP-Laban National Executive Committee (NEC) kung saan nakapaloob sa 3 resolusyon ng partido.
Kinondena ng partido ang pagsabotahe sa kasalukuyang liderato ng partido para isulong ang political movement na kontra sa interes ng kabuuan ng partido.
Pinahihintulan si Pacquiao na bumuo ng investigation committee para sa mga reklamo laban sa mga kapartido na posibleng lumalabag sa konstitusyon ng partido.
Ipinabatid ni PDP-Laban Executive Director Ron Munsayac, na napagkasunduan ni Pacquiao at ilang kapartido nito sa PDP-Laban na tanggalin sina Cusi, Matibag at Naik dahil maliban sa PDP-Laban ay nagpapakita pa ang mga ito ng katapatan sa ibang partido.
Samantala, nakatakda ang pagpupulong ng PDP-Laban National Council kung saan ipapatawag sina Cusi at Matibag sa July 17.