Ibinunyag ng Department of Health na mayroong ilang mayor ang nagbulsa ng health emergency allowance ng mga healthcare worker na nagtrabaho noong pandemya.
Ayon kay Health Undersecretary Archilles Bravo, nakatanggap sila ng mga ulat na mayroong mga healthcare worker na hind buo ang natanggap na hea.
Inihalimbawa ni Usec. Bravo ang report sa kanila kung saan ang ibinibigay lamang ng mayor ay nasa P30,000 hanggang P40,000 sa halip na P50,000.
Bukod pa rito, may mangilan-ngilan din anyang alkalde ang hindi nagbigay ng hea sa mga nasabing manggagawa.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang DOH hinggil sa nasabing usapin. – Sa panulat ni Kat Gonzales