Apat na heneral, ilang mayors at barangay captains na sangkot sa illegal drugs at katiwalian ang di umano’y kasama sa listahan ng mga unang sasampolan ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte pag-upo nito bilang pangulo ng Pilipinas.
Ibinunyag ni Martin Diño ng VACC o Volunteers Against Crime and Corruption na sinimulan na nila ang pagbuo ng listahan ng mga masasampolan bilang bahagi ng paglaban ni Duterte sa kriminalidad at katiwalian.
Target anya ni Duterte na mayroong mabitay sa mga iniimbistigahan nilang mga opisyal na sangkot sa illegal drugs upang magsilbing babala sa mga sangkot sa krimen.
Bahagi ng pahayag ni VACC Chairman Martin Diño
By Len Aguirre | Ratsada Balita