Muling nagsagawa ng ‘pork holiday’ ang ilang meat vendor sa Murphy Market sa Cubao sa Quezon City dahil sa umiiral na price ceiling.
Mababatid na higit sa 50 na mga meat vendor ang lumahok dito at piniling hindi magbukas ng kani-kanilang tindahan.
Paliwanag ng mga meat vendor, kung susundin ang price ceiling, luging-lugi na sila dahil sa mataas na presyo nila nakukuha ang mga karneng baboy at manok.
Batay kasi sa umiiral na price ceiling, ang kada kilo ng kasim at pigue ay dapat P270 lang ang halaga,P300 per kilo naman sa kada kilo ng liempo, at ang kada kilo naman ng manok ay dapat nagkakahalaga ng P160.
Samantala, magtatagal ang pork holiday ng mga meat vendor sa Murphy Market hanggang bukas, ika-23 ng Pebrero.