Nabunyag na ilang media groups ang ginagamit at nakikinabang upang sirain ang kampanya ng pamahalaan kontra sa iligal na droga.
Ito ang isiniwalat ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre nang matalakay ito sa cabinet meeting kahapon.
Ayon sa kalihim, pinopondohan umano ng ilang mga sindikato ng droga ang ilang media group ngunit bigo naman ang kalihim na tukuyin o kilalanin ang grupo o maging ang mga personalidad sa likod nito.
Gayunman, kinumpirma ni Aguirre na may susunod pang listahan ng mga pulitiko at opisyal ng pamahalaan mula sa tatlong sangay nito ang papangalanan ng Pangulo sa mga susunod na araw.
By Jaymark Dagala