Humingi ng tulong sa Court of Appeals ang ilang medical clinic upang kwestyunin ang indefinite suspension na ipinataw sa kanila ng Department of Health o DOH.
Sa 30 pahinang petisyon, hiniling ng Ruben Bartolome MD Clinic Incorporated, Abacus Clinical Diagnostic Services, Orion Medical and Diagnostic Center, at San Marcelino Clinic and Medical Company sa Court of Appeals na ipawalang bisa ang preventive suspension order na inisyu ni Health Secretary Paulyn Ubial noong Marso 9.
Nais din nilang ipalabas ng Court of Appeals ng Temporary Restraining Order (TRO) na pipigil sa nasabing kautusan ni Ubial.
Iginiit ng abugado ng mga medical clinic na hindi makatwiran ang suspension order dahil napagkaitan ng due process ang mga petitioner bunsod ng kawalan ng pagdinig at imbestigasyon.
By Avee Devierte |With Report from Bert Mozo