Tila malamig ang ilang alkalde sa Metro Manila sa rekomendasyon ng gabinete na paikliin ang curfew hours.
Ayon kay Navotas City Mayor Toby Tiangco, dapat panatilihin ang nasabing curfew dahil epektibo naman ito lalo pa’t tumataas pa rin naman ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa, partikular sa Metro Manila.
Local government units (LGUs) din aniya ang mananagot sakaling tumaas muli ang kaso ng COVID-19 dahil sa pagpapaluwag ng curfew.
Sinabi naman ni San Juan City Mayor Francis Zamora na nagbawas na rin sila ng oras ng curfew bagamat suportado niya ang katuwirang dapat na tuluyang pababain ang kaso ng virus bago tuluyang luwagan ang curfew.