Ilang mga LGUs o Local Government unit ang naglunsad ng kani-kanilang mga aktibidad bilang pakikiisa sa selebrasyon ng Earth Day ngayong araw.
Kabilang dito ang proyekto ng bayan ng Rosario sa Cavite na bigas kapalit ng plastik kung saan ang isang kilo ng mga naipong plastik na basura ay maaring ipagpalit sa isang kilong bigas.
Ayon kay Rosario, Cavite Vice Mayor Nonong Ricafrente, layunin ng proyesto na matuto ang mga residente na mag-hiwahiwalay ng basura.
Ibinida naman sa lungsod ng Las Piñas ang mga produktong likha mula sa plastik na basura na nakolekta naman sa bahagi ng Las Piñas – Parañaque wetland park.
Samantala, isang fun run naman ang inilunsad sa bahagi ng SM Mall of Asia kaninang umaga bilang bahagi rin ng pagdiriwang ng Earth Day.
Pinangunahan ito ng National Geographic at World Wide Fund o WWF for Nature Philippines kung saan ilang mga kilalang personalidad ang lumahok.
Ang Earth day ay ipinagdiriwang sa buong mundo tuwing Abril 22 kada taon at idineklara rin sa Pilipinas noong 2007 sa pamamagitan ng pinirmahang Presidential decree ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.
From the Presidential Spokesperson – On Earth Day pic.twitter.com/4s32mIDd0g
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) April 22, 2018