Ilang pagbabago ang ipinatupad ng mga organizer ng Sinulog Festival sa Cebu City na magsisimula sa Enero 11 hanggang 21.
Kabilang sa mga pagbabago ang pagbabawal sa pagpapalipad ng mga lobo, fireworks display at pinaikling prusisyon o traslacion.
Ayon kay Father Noel Cogasa, nangangasiwa sa liturgical celebration ng Basilica Minore Del Santo Niño, sa halip na gastusin sa fireworks display ang pera ay ido-donate na lamang ito para sa rehabilitasyon ng Marawi, mga biktima ng bagyo at pagsasaayos ng isang simbahan sa Villaba, Leyte.
Noong mga nakaraang taon ay tinatayang isandaang libong piso (P100,000.00) ang gastos para lamang sa pyrotechnics display matapos ang tradisyunal na Sinulog dance sa pilgrim center ng simbahan.
Ipagbabawal naman ang pagpapalipad ng lobo dahil bukod sa nakasasama sa kapaligiran lalo sa hangin, ito din ang kadalasang sanhi ng ilang power interruptions.
Samantala, nagpasya ang mga paring Agustino na paabutin ang traslacion sa karatig isla ng Mactan partikular sa Lapu-Lapu City mula sa Mandaue City alinsunod sa hiling ng mga deboto ng Santo Niño.