Nakumpiska ng mga tauhan ng 58th infantry “Dimalulupig” battalion ang isang high-powered firearm at war materials sa Misamis Oriental.
Ayon kay LT. Col. Christian Uy, Commanding Officer ng IB, nakatanggap sila ng report mula sa isang concerned citizen hinggil sa aktibidad ng mga rebelde dahilan para magkaroon ng bakbakan na tumagal ng 15 minuto.
Mabilis na nakatakas ang mga kalaban ng gobyerno kung saan, nadiskubre ng mga otoridad ang lumang Battle Dress Attire (BDA) uniforms na ginagamit umano ng mga rebelde upang linlangin ang mga sibilyan at makagawa ng iligal na aktibidad.
Sa ngayon, dinala na sa headquarters ng 58IB ang mga nakumpiskang armas at war materials para sa proper disposition habang patuloy pang nagsasagawa ng opersyon ang mga militar laban sa mga rebelde.