Sa panahon ngayon, hindi na lamang mga buntis ang nagsasagawa ng maternity shoots dahil sa China, pati ang mga single ladies na hindi naman buntis ay may sariling maternity photos na rin.
Kung paano ito nangyari? Alamin.
Hindi na lingid sa ating kaalaman na kabilang ang China sa mga nagpapasimula ng trends sa social media na talaga nga namang tumatatak sa ating mga isipan at kung minsan ay atin pang sinusundan.
Ngayon, mayroon na namang panibagong craze sa China na kung saan ay nagsasagawa ang mga kababaihan ng maternity shoot kahit na single naman sila at hindi rin nagdadalantao.
Isa sa mga hindi nagpahuli sa trend na ito ay ang Chinese Gen Z Influencer na si Meizi Gege na ibinida sa kaniyang 5.7 million followers ang kaniyang fake maternity shoot.
Ang rason niya? Iyon ay dahil slim pa raw ang kaniyang pangangatawan, katulad ng ibang kababaihan na main concern ang kanilang itsura kung bakit maaga silang nagsagawa ng maternity shoot.
Ayon sa mga nagkomento sa post ni Meizi, isang twenty six year-old woman ang nagpakuha rin ng maternity photos sa edad na 23 kahit na siya ay single noong panahon na ‘yon.
Habang 22- anyos naman ang isa pang commentor nang gawin ang nasabing photoshoot dahil baka raw magkaroon siya ng wrinkles pagpatak ng 30 years-old kapag siya ay nagkaroon na ng anak.
Kung ano ang ginamit ng mga kababaihan na ito para makasabay sa trend? Iyon ay ang nabibili na silicone pregnancy bellies na pabiro lamang daw ginagamit noon ng mga tao upang makita kung ano ang kanilang itsura kung sila ay magbubuntis.
Ang mga fake bellies na ito ay available sa iba’t ibang sizes kung kay naman kapag sinuto ito ay maaaring palabasin ng isang babae na siya ay nasa iba’t ibang stages na ng pagbubuntis.
Ikaw, sasabayan mo rin ba ang pambihirang trend na ito?