Nag-paabot ng tulong sa mga nasalanta ng Bagyong Odette sa Visayas at Mindanao ang ilang mga bansa kabilang na ang Switzerland, Us at China.
Una nang nagpaabot ng tulong ang China, kung saan aabot sa 10,000 metric tons ng bigas ang naipamahagi na mula sa 4.7 million kilograms sa pangunguna ni Chinese Ambassador To The Philippines Huang Xilian.
Maliban pa diyan, naglaan din ng tulong ang Switzerland sa pamamagitan ng Swiss Embassy kung saan, aabot sa 32.6 million relief assistance ang ibinigay para sa support and recovery efforts sa mga komunidad na apektado ng bagyong odette.
Samantala, nangako naman ang estados unidos na maihahatid sa pilipinas ang ipinangakong sampung milyong pisong tulong sa mga biktima ng pananalasa ng bagyo.
Bukod pa dito, tumutulong din ang u.s sa united nations world food program sa pag-transport ng mga supplies lalo na ang mga pagkain para sa 20,000 pamilya na tinutulungan naman ng gobyerno ng pilipinas.
Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na ang US Agency for International Development (USAID) sa action against hunger upang magpaabot ng relief supplies sa mga residente sa bahagi ng Surigao Del Norte at Dinagat Islands. —sa panulat ni Angelica Doctolero