Nagbukas ng libu-libong opurtunidad ang ilang bansa para sa mga manggagawang Pinoy lalo na sa mga naapektuhan ng deployment ban sa Kuwait.
Ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), nangangailangan ng welders ang Japan, Estados Unidos, Australia, Singapore at New Zealand.
Para sa mga laborer naman maaaring mag-apply sa Taiwan, Brunei, New Zealand at Czech Republic.
Bukas din para sa mga skilled nurses ang Singapore, Ireland, Germany at America.
Sinabi ni POEA Deputy Administrator Joecelyn Sanchez na malaki ang pagasa na makahanap ng ibang trabaho sa mga nabanggit na bansa ang mga Overseas Filipino Worker na mula sa Kuwait.
Dahil na rin sa kanilang kasanayan at karanasan.
Kasabay nito, nagpaalala rin ang POEA sa mga OFW na maging ma-ingat at mapagsuri sa mga pupuntahang recruitment agency.
RPE