Sang-ayon ang ilang mga bansa, sa paghihigpit ng restriksyon sa mga turistang magmumula sa china.
Kasunod ito ng muling pagsirit ng kaso ng COVID-19 sa China kung saan, isinabay umano ang pagluluwag ng restriksiyon sa beijing kabilang na ang mandatory COVID-19 quarantine sa mga magpopositibo sa naturang sakit.
Nabatid na maraming mga bansa ang nangangamba dahil maraming Chinese ang nagpaplano bumiyahe sa ibang mga bansa sa gitna ng COVID-19 surge.
Ayon sa ilang mga bansa, katulad ng US; Japan; India; Italy; Malaysia; Belgium; at Germany, imposible nang ma-track ang outbreak ng COVID-19 sa isang bansa dahil sa kakulangan ng genomic data na isa sa pinaka kailangan upang madetect ang panibagong uri ng nakahahawang sakit.