Mawawalan ng suplay ng tubig ang ilang mga barangay sa Marikina, Mandaluyong, Maynila at Quezon City na posibleng magsimula sa pagitan ng 9:00 at 10:00 mamayang gabi at tatagal ng 5:00 o hanggang 6:00 bukas ng umaga.
Ayon sa abiso ng Manila Water, ang nasabing water service interruption ay dulot ng kanilang isasagawang service improvement activities.
Kabilang sa maaapektuhan ng water service interruption ay ang Concepcion Uno at IVC sa Marikina at Barangay Bagumbuhay, Siena at Talayan sa Quezon City.
Gayundin ang mga Barangay Daang Bakal, Bagong Silang, Hagdang Bato, Itaas, Hagdang Bato Libis, Harapin Ang Bukas, Mabini – J. Rizal, Namayan, Burol, Pag-asa, at Vergara sa Manduluyong at Barangay 895, 898 hanggang 906 sa Maynila.
Habang mawawalan din ng suplay ng tubig ang Barangay 179 sa Caloocan City.