Nawala ang pangamba ng ilang Basketball analysts na muling aakyat sa kampeonato sa NBA ang number 1 ngayon sa Western Conference na Phoenix Suns.
Ito ay matapos kumpirmahin ng koponan na posibleng abutin pa ng dalawang linggo ang pagpapagaling ng Veteran point guard na si Chris Paul.
Dahil dito, lumakas naman ang pananaw ng ilang Observers na inaasahang hahabol ang Golden State Warriors at posibleng makuha pa ang Western Conference Title hanggang sa NBA Championships.
Sa ngayon, mahigit na lamang sa 20 games ang natitira bago ang NBA Playoffs.
Samantala, nasa break pa rin ngayon ang nba at magbabalik ang mga games sa Biyernes, February 25.