Apat na bus ang hindi pinayagang makabiyahe ngayong araw sa Araneta Center bus terminal sa Cubao, Quezon City.
Ito’y matapos matuklasan ng LTFRB Na walang rehistro ang isang bus unit ng Lucena Bus habang wala namang lisensya ang driver ng isa pang bus nito.
Sinasabing basag naman ang windshield ng unit ng Ceres bus habang hindi rin pinaalis ang isang Silver Star bus dahil kalbo o pudpod na ang isa sa mga gulong nito.
Ayon sa LTFRB ipapatawag ang mga operator ng mga nasabing bus company para magpaliwanag bago pagpasyahan kung anong parusa ang maaaring ipataw sa kanila.
By: Jelbert Perdez / Jonathan Andal