Nakaalis na ang ilang mga Chinese militia vessel ilang araw matapos namataan sa Ayungin Shoal.
Matatandaang hinarang at binombahan ng mga water canon ng mga Chinese Coast Guard ang dalawang barko ng mga pinoy na magdadala sana ng food supplies sa mga military personnel.
Ayon kay Armed Forces Of The Philipine Western Command Commander Vice Admiral Roberto Enriquez, aabot nalang sa 26 na militia vessel ang nananatili sa lugar.
Matatandaang naghain ng diplomatic protest ang Department of Foreign Affairs laban sa pangha-harass ng mga Chinese Coast Guard dahil iligal at wala silang law enforcement rights dahil nasa teritoryo umano sila ng Pilipinas. —sa panulat ni Angelica Doctolero