Nanalo sa iba’t ibang lokal na posisyon ang ilang mga dating senador nitong nakalipas na eleksyon.
Naiproklama na kagabi si dating senador Loren Legarda bilang kinatawan ng lone district ng Antique matapos nitong talunin si Antique Governor Exequiel Javier.
Muli namang manunungkulan bilang mambabatas si dating foreign affairs secretary Alan Peter Cayetano bilang kinatawan ng first district ng Taguig City.
Habang wagi naman bilang gobernador si dating senador Chiz Escudero sa probinsya ng Sorsogon.