Ilang mga doktor ang kumbinsidong gawing optional na lamang ang pagsusuot ng face shield.
Ayon kay dating Health Secretary Dr. Esperanza Cabral, dapat na magsuot na lang ng face shield sa mga lugar na dikit-dikit ang mga tao.
Giit ni Cabral, wala namang scientific evidence na nakakatulong ang face shield laban sa virus.
Sang-ayon din si Cabral na alisin na ang face shield policy sa mga pampublikong sasakyan na hindi naka-aircon lalo’t marami na ang nabakunahan sa Metro Manila.
Pabor din si Health Reform Advocate Dr. Tony Leachon na gawing optional na lamang ang pagsusuot ng face shield kung ang pakay ay makatipid gayong inirerekomenda ng Centers for Disease Control and prevention ng Amerika ang pagsusuot ng face mask o double face mask at hindi ang pagsusuot ng face shield.
Samantala, sinabi naman ni Dr. Edsel Salvana ng Department Of Health Technical Advisory Group, na hintayin na munang mabakunahan ang lahat bago tanggalin ang naturang polisiya dahil maaari aniyang pumasok sa mata ang virus.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico