Nagsimula nang magpataw ng bagong excise tax ang ilang mga gasolinahan sa bansa.
Batay sa datos ng Department of Energy (DOE) na kinalap sa kanilang monitoring, nasa halos 500 gasolinahan mula sa 9,000 gasolinahan sa buong bansa ang nagtaas na ng presyo ng kanilang produktong petrolyo dahil sa dagdag na excise tax.
Ayon sa DOE, inaasahan nilang sa kalagitnaan pa ng Pebrero magsusunuran ang iba pang gasolinahan dahil inuubos pa nila ang kanilang lumang imbentaryo.
Sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law, may panibagong P1.00 dagdag sa excise tax ng gasolina at LPG, samantalang P1.50 sa diesel.
Hindi pa kasama sa mga nabanggit na kwenta ang Value Added Tax.