Nagkanya-kanya ng gimik ang ilang mga grupo upang iprotesta ang anti-terror bill ngayong Independence Day.
Ilang grupo ang nagsagawa ng flashdance sa Marikina upang ipanawagan ang pagbasura sa anti-terror bill.
Ginamit sa kanilang sayaw ang parody song ng kantang “Señorita” na ginamitan ng lyrics na patungkol sa mga pasista.
Idinaan naman ng Akbayan Youth sa parlor games ang kanilang protesta ngayong Independence Day.
Kabilang dito ang tumbang preso kung saan may larawan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang maliit na timba na tinitira ng tsinelas at pukpok pasistang palayok kung saan may larawan rin ng Pangulo ang pinupukpok na palayok.
Meron ding chinese garter kung saan ang mga humahawak ng garter ay may larawan ng mukha nina Chinese President Xi Jinping at Pangulong Duterte.
Ang chinese garter ay pagpapakita umano ng maginhawa at maluwag na panuntunan sa POGO samantalang hirap na hirap naman ang mga manggagawang pilipino.
Sa parehong programa ay nasunod naman ang social distancing at pagsusuot ng face mask.