Nakahanda ang ilang jeepney drivers na magsunog ng jeepney at ibalagbag ito sa kalsada bilang protesta sa patuloy na pagtanggi ng pamahalaan na sila ay makapaghanapbuhay.
Ayon kay Efren De Luna, National President ng ACTO, pinapa-ikot-ikot lamang sila at binobola ng gobyerno sa kanilang mga pahayag na papayagan na silang bumiyahe sa susunod na linggo.
Sinasabi anya ng gobyerno na papayagan silang bumiyahe subalit halos lahat ng ruta ng jeepney ay tinanggal na at ang iba ay nilagyan na ng bus at modern jeepneys.
Binigyang diin ni De Luna na may mga pinaplano silang pagkilos upang ipakita na may halaga rin siila sa lipunan at hindi dapat binabale wala lang ng gobyerno.
Matatandaan na marami nang jeepney drivers ang namamalimos na lamang dahil sa kawalan ng kita at ayuda sa nakalipas na mahigit sa tatlong buwan.