Inaabisuhan ng DPWH o Department of Public Works and Highways ang mga motoristang daraan sa mga kalsada ng Caloocan at Quezon city ngayong weekend.
Ito’y dahil sa isasara ang anim na kalsada sa QC at isa naman sa Caloocan para isailalim sa road repair works na nagsimula alas 11:00 kagabi hanggang ala 5:00 ng umaga ng Lunes, Pebrero 12.
Kabilang sa mga isasarang kalsada ang inner lane ng Visayas Avenue sa harap ng DA o Department of Agriculture; ika-limang lane ng EDSA Balintawak Northbound sa pagitan ng Landers at Howmart Street.
Unang lane ng Congressional Avenue bago sumapit ng Visayas Avenue; ikatlong lane ng Congressional Avenue mula EDSA hanggang Cagayan Street; inner lane ng Quirino Highway mula T. Urbano hanggang sa Pagkabuhay Road; southbound ng A. Bonifacio Ave at inner lane ng Sergeant Rivera Crossing.
Habang northbound ng Bonifacio Monumento Circle naman ang isasara sa bahagi ng Caloocan City kaya pinapayuhan ang mga motorista na maghanap ng alternatibong ruta.
Ulat ni DWIZ Patrol Reporter Aya Yupangco
Posted by: Robert Eugenio