Ilang mga kalsada sa lungsod ng Quezon at Manila ang isinailalim sa road reblocking at repair simula 11:00 kagabi at tatagal hanggang 5:00 ng umaga sa Lunes, Agosto 6.
Batay sa abiso ng DPWH o Department of Public Works and Highways kabilang sa mga apektado sa Quezon City ang second lane mula side walk sa EDSA Northbound mula Vertis North hanggang Trinoma Mall.
3rd lane mula Center Island ng EDSA Southbound sa harap ng Francesca Tower patungo at paglagpas ng Scout Borromeo.
Batasan northbound sa pagitan ng Commonwealth Avenue hanggang Katipunan Street – 1st lane.
Northbound ng Congressional Avenue bago ang kanto ng Jupiter Street – 1st lane at 3rd lane ng northbound ng Fairview Avenue mula Mindanao Avenue Extension hanggang Jordan Plains Subdivision.
Habang sa Maynila, apektado naman ang bahagi ng A.H Lacson Avenue northbound kanto ng Aragon Street at P. Florentino Street.
Inaabisuhan naman ang mga motorista na asahan na ang mabagal na daloy ng trapiko at kung maaari ay gamitin na lamang ang mga alternatibong ruta.