Halos 200 kompanya na ang permanenteng nagsara dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello lll, maliban pa ito sa mahigit sa 2,000 na pansamantalang tumigil ng kanilang operasyon kung saan nasa 900,000 empleyado ang apektado.
Sinabi ni Bello na nagbigay na rin ng notice ang Cebu Pacific at maging ang Philippine Airlines na magbabawas sila ng empleyado simula sa susunod na buwan.
Bagamat wala anyang magagawa sa ngayon ang DOLE kung talagang hindi na kaya ng ilang kumpanya ang mag operate pinaalalahan niya ang mga employers na obligado silang bayaran ang separation pay ng mga empleyadong mawawalan ng trabaho.
Kagaya nung may-ari nung Marco Polo sa Davao sabi niya magsasara na permanently dahil wala na ngang negosyo, tama naman wala nang nagho-hotel so, sabi ko ‘pwede ba ‘wag mo na i-stop operation sabihin mo lang na suspend operation para sa ganun ay yung mga workers mo nandyan pa din, sabi niya ‘hindi mas maganda mag-pause ako ng operation bibigyan ko ng separation pay yung mga empleyado ko’ sabi niya kung babalik kami sa operation then ire-rehire ko sila, sabi niya” , ani Bello. — panayam mula sa Balitang Todong Lakas