Maraming lugar ang muling nakapagtala ng mataas na temperatura kahapon.
Ayon sa PAGASA, 37. 1 degrees celsius ang naitalang pinakamaaas na temperatura sa San Jose, Occidental Mindoro.
Kabilang sa mga lugar na nakaranas ng sobrang mainit na panahon ang Camiling, Tarlac – 36. 5 degrees Celsius, Catbalogan City – 36. 5 degrees celsius, Cotabato City – 36. 5 degrees celsius at Hacienda Luisita, Tarlac – 36 degrees celsius.
Umabot naman sa 35. 6 degrees celsius ang naitalang pinakamataas na temperatura sa PAGASA Science Garden sa Quezon City kahapon.
Ang heat index naman o ang init na naramdaman sa katawan ng tao ay umabot sa 37 degrees celsius ganap na ala 1:50 ng hapon.