Nabawi na ng Syrian government sa kamay ng ISIS ang halos kalahati ng Aleppo Province matapos ang ilang araw na bakbakan.
Tinatayang isanlibo dalawandaang (1,200) ISIS fighters na ang patay simula noong Sabado upang mabawi ang dalawampu’t dalawang (22) bayan sa northern at eastern Aleppo.
Napasok na rin ng Syrian Army, rebeldeng grupong Hezbollah at Russian Forces ang bayan ng Maskanah, ang pinakahuling balwarte ng ISIS sa lalawigan.
Ito na sa ngayon ang pinakamatinding bakbakan sa pagitan ng gobyerno ng Syria at teroristang grupo na umatras naman patungo sa mga nalalabi nilang teritoryo.
By Drew Nacino
Ilang mga lugar sa Syria at Iraq nabawi na sa kamay ng ISIS was last modified: June 5th, 2017 by DWIZ 882