Nakaranas ng pag-ulan ang ilang bahagi ng bansa, partikular sa visayas at mindanao bunsod ng LPA o low pressure area.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Mark Timbal, tagapagsalita ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), na nagkaroon ng evacuation sa ilang mga lugar bunsod ng mga pagbaha.
Sa region 10 aniya ay nasa mahigit 1,600 mga pamilya ang inilikas at isang tulay rin ang napinsala.
Sinabi pa ni timbal na nagpapatuloy ang kanilang proyekto kung saan inililipat ang mga pamayanan na malapit sa paanan ng mga bundok.