Ilang mga mangingisda ang hinuli ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) dahil sa iligal na paggamit ng trawling gears sa kanilang fishing activity.
Ayon sa mga tauhan ng PCG, namataan ang mga mangingisda sakay ng mga Fishing Motor Banca Carabao Island, Maragondon, Cavite.
Paglabag sa Municipal Ordinance 78 – 08 Section 4.3 ang kasong kakaharapin ng mga mangingisda dahil sa iligal na aktibidad. —sa panulat ni Angelica Doctolero