Tumulong narin sa isinagawang disaster assessment ng Philippine Coast Guard ang mga mangingisda sa paghahatid ng relief supplies para sa mga biktima ng Bagyong Odette sa Pandanon, Bohol.
Sakay ng BRP Tubbataha mrrv-4401 ang nasa 60 sako ng bigas, 50 kahon ng mineral water, at 30 sako ng iba’t-ibang klase ng delata.
Bukod sa mga mangingisda, tumulong din sa operasyon ang mga tauhan ng Philippine Army upang mapabilis ang pamamahagi ng mga donasyon.
Ang nasabing relief supplies ay paunang tulong ng lokal na pamahalaan ng bohol para sa mga residente ng isla na lubhang naapektuhan ng pananalasa ng bagyo. —sa panulat ni Angelica Doctolero