Sibak sa tungkulin habang ang iba ay nagbitiw ang 21 miyembro ng I.C.R.C o International Committee of the Red Cross.
Ito’y matapos masangkot ang mga di pa tinukoy na mga miyembro sa sexual misconduct.
Ayon kay ICRC Director General Yves Daccord, nagbabayad umano para sa serbisyong sekswal ang mga naturang staff ng ahensya.
Dahil dito aniya ay nagbitiw at sinibak ang ilan sa mga akusado, hindi na rin umano pinalawig pa ang kontrata ng dalawa sa kanilang empleyado na pinaniniwalaang sangkot din.
Magugunitang nagkaroon ng ulat na sangkot din umano ang iba pang mga aid organization sa sexual harassment na umanoy kagagawan ng kanilang mga empleyado.
Posted by: Robert Eugenio