Nagsagawa ng kilos protesta sa labas ng Senado ang ilang mga motorcycle riders association mula sa Bulacan at Metro Manila para tutulan ang Senate Bill 1397 o Motorcycle Crime Prevention Act kaninang umaga.
Ayon kay Bulacan Motorcycle Rider Confederation President Robert Perillo, maituturing na diskriminasyon ang nasabing batas dahil tila agad na napagdudahang kriminal ang lahat ng motorcycle rider.
Giit pa ni Perillo, magiging pabigat rin sa mga riders ang malaking gagastusin para sa mas malaking plaka.
Kaugnay nito, humirit din ng diyalogo ang grupo dahil hindi anila sila nakonsulta nang ipinasa ang nasabing panukalang batas.
Ang Senate Bill 1397 o ang Motorcycle Crime Prevention Act ay nakapasang panukala ni Sentor Richard Gordon na nag-aatas sa paglalagay ng mas malaking plaka sa mga motorsiklo para masawata ang talamak na riding in tandem.