Isinailalim sa Fumigation ang ilang mga gusali at opisina ng Lokal na Pamahalaan ng Zambales.
Layunin nitong maprotektahan ang mga kawani laban sa mga lamok na may dalang sakit na dengue.
Ayon kay Zambales health officer Dr. Noel Bueno, fumigation ang pinaka-epektibong paraan upang mawala ang mga lamok sa kapaligiran.
Sinabi ni Bueno na magpapatuloy ang pagsasagawa ng fumigation sa kanilang lugar sa lahat ng pasilidad sa lalawigan hanggang sa susunod na linggo upang masigurong ligtas ang mga empleyado maging ang mga residente sa kanilang lugar.