Nakatakdang magtungo ng Lebanon ang ilang mga opisyal ng Pilipinas at Kuwait para saksihan ang Paglilitis sa isa sa amo at suspek sa pagpatay sa Filipina Overseas Worker na si Joana Demafelis.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson harry Roque kasabay ng pagtitiyak na tinututukan ng pamahalaan ang kaso ni Demafelis.
Ayon kay Roque, maging ilang mga Kuwaiti Officials na kaniya aniyang nakausap ang nagsabing ikinagulat din nila ang sinapit ni Demafelis sa kanyang mga amo.
itinanggi rin aniya ng mga nasabing Kuwaiti officials ang mga lumalabas na ulat na kanilang binabalewala at hindi inaaksyunan ang kaso ni Demafelis.
Magugunitang, nitong Pebrero nang matagpuan ang bangkay ni Demafelis sa loob ng freezer sa isang abandonadong apartment na dating tinitirahan ng Lebanese at Syrian na amo nito sa Kuwait.