Permanenteng nagsara ang mahigit 70 pribadong paaralan sa Western Visayas.
Ito ay base sa datos na inilabas ng Department of Education (DEPED) Regional Office.
Ayon kay Hernani Escullar, Regional Information Officer ng DEPED Western Visayas, sa 76 na nagsarang paaralan, 59 ang pansamantalang nagsara habang 17 naman ang permanenteng nagsara.
Tinatayang dahilan naman ang financial constraints at low number of enrollees sa pagsasara ng mga paaralan.
Handa namang tumanggap ng mga estudyanteng galing private ang mga pampublikong paaralan ayon sa DEPED Western Visayas. - sa panulat ni Hannah Oledan