Nasa 32 mga paliparan sa bansa ang nagbalik operasyon na para sa mga commercial flights.
Batay ito sa pinakabagong listahan na ipinalabas ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), nitong Agosto 15.
Ayon sa CAAP, naglabas na ng clearance ang mga Local Government Units (LGU) na nakasasakop sa mga nabanggit na paliparan na nagpapahintulot sa pagbabalik ng commercial airport operations sa mga ito.
Gayunman sinabi ng CAAP na kinakailangan pa ring humingi ng approval mula sa LGU’s bago ang nakatakdang flights alinsunod na rin sa mga ipinatutupad na restriksyon sa nasasakupang lugar ng paliparan.
Samantala, nananatili namang bawal ang domestic commercial flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa umiiral na modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila.
Habang patuloy namang pinapayagan ang international flights, OWWA flights at sweeper flights sa Davao at Romblon bagama’t may kinakailangang sundin na mga limitasyon.