Nakatanggap ng Department of Health (DOH) 2022 hospital star awards ang ilang mga pampublikong ospital sa mga probinsya.
Kabilang na rito ang Region I Medical Center, Sarangani Provincial Hospital, Maguindanao Provincial Hospital at Davao Oriental Provincial Medical Center.
Ito’y upang bigyang pagkilala ang pagsisikap ng mga ospital na mapanatili ang mataas na kalidad nang pagbibigay ng mga serbisyong pangkalusugan at makamit ang universal health care at mapabuti ang pagpapatupad ng mga regulatory requirements.