Nagmahal ang presyo ng ilang pangunahing bilihin dahil sa pagtaas ng singil sa kuryente at paghina ng Piso kontra dolyar.
Batay sa price monitoring ng DTI o Department of Trade And industry, tumaas ng 75 Sentimos hanggang P1.50 ang kape, P1.50 sa gatas, 25 Sentimos sa evaporated milk at P.4 piso sa asukal.
Bukod dito, may pagtaas din sa halaga ng tsitsirya, sabong panlaba at refrigerated goods dahil sa pagtaas ng kuryente,
Tumaas din ang canned goods ng 25 sentimos dahil tumaas ang presyo ng lata at ang ginagamit na takip para rito.
Tiniyak naman ng DTI na patuloy nilang imo-monitor ang paggalaw ng presyo at hinihikayat ang mga mamimili na ugaaliing sumangguni sa suggested retail price ng mga pangunahing bilihin.
By: Meann Tanbio