Maraming pasahero ang nag-noche buena sa mga bus terminal at pantalan.
Ito’y dahil sa pagkaantala ng maraming byahe bunsod ng bagyong Ursula.
Ayon sa mga pasahero wala na silang nagawa kundi ang magpalipas ng gabi sa mga terminal bumili na lang sila umano ng pagkain para mairaos ang noche buena.